RELYENONG BABOY
Ingredients:
- 1-1/2 kilong giniling na baboy.
- 7 itlog ng manok-babatihin.
- 17 botelyang acetonas gagayatin nang pino.
- 3 kahong pasas na maliliit.
- 5 kalamansi katamtaman.
- 3 kutsarang toyo.
- 1-1/4 kilong keso-gagayatin.
- 1 kutsarang pamintang durog.
- 6 longganisang macao-piprituhin at pag naluto ay gagayatin ng katamtamang laki.
Procedures:
- Paghaluing lahat, at kung timplado na, ilagay na sa mga liyanera. Ilagay sa kawali, lagyan ng tubig ang kawali. Pag-inaakalang luto na, lagyan ng takip ma lata ang ibabaw ng liyanera. Lagyan ng baga hanggang sa mainit. Kung inaakalang luto na, isalin sa bandehado at kanin na kaagad. :)